Dorothy, 15. 05/21/98. Carmelian. A sister, an aunt, a friend, a student and a girlfriend. Bicolana at best and Korean by heart.

"Life is not a bitch, don't make it complicated. Everything is simple, make the most out of it. Happiness isn't hard to find, stop looking for something better, after all, the best already lies infront of you."


1 of 65

Ito ba yung sinasabi nilang
He will give you hope, he will give you strength, he will make you see the things as perfect as it can be?

posted 10 months ago with 0 notes - reblog

The future lay before him, inevitable but invisible.

An Abundance of Katherines, John Green

posted 10 months ago with 0 notes - reblog

And I’d give up forever to touch you
‘Cause I know that you feel me somehow
You’re the closest to heaven that I’ll ever be
And I don’t want to go home right now

And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
‘Cause sooner or later it’s over
I just don’t want to miss you tonight

And I don’t want the world to see me
‘Cause I don’t think that they’d understand
When everything’s meant to be broken
I just want you to know who I am

posted 10 months ago with 2 notes - reblog

god forbids

It has been a long time since I posted. The world has turned around. Someone played with me because I let that person play with me. But that’s so last week or two weeks ago. Who knows? Gosh I really hate boys. Then again, I think I’m falling for the person I’m not supposed to fall in love with. Loving this person will end up hurting two people or maybe more. This is forbidden by God but I still continue. What have I got myself into?

posted 10 months ago with 0 notes - reblog

Masarap maging tao at mabuhay pero mas masarap kung magiging tayo habambuhay ♥ —

posted 10 months ago with 0 notes - reblog

Our family’s treasure, mom ♡

posted 10 months ago with 0 notes - reblog

Official Growl Polaroids from Korea ♡ #EXO #Growl #Seoul #SMent #Baekhyun #Tao #Lay #Jongin

posted 11 months ago with 1 note - reblog
#growl #jongin #seoul #exo #baekhyun #lay #tao #sment

Not everything you have stays forever, but there are things you’ll be glad to fight for just to have them longer.

posted 11 months ago with 0 notes - reblog

Hindi Pagtalikod Sa Sariling Wika, Mika Kim

Madalas akong maglaro noon ng ‘titser-titseran’. Hindi ko lang alam kung bakit, pero siguro, dahil ako’y musmos pa, akala ko alam ko na ang lahat. Aaminin kong mas matalino ako noon kaysa ngayon. Kapag kami ay nag-uusap ng aking mama, lagi niyang sinasabi kung gaano ako lumaki at nagbago sa mga nakaraang taon. Wala akong pamilya na nasa tabi ko noong ako ay bata pa lamang, ngunit laging umuuwi ang nanay ko galing sa malayo tuwing ako ay magkakabisado kapag ako ay sasali sa mga ‘declamation’ o ‘oration’. Hilig ko ang pagsasalita, sinosoportahan ako ng ina ko doon. Siya ang nagsilbing gabay at ilaw ko para sa oras na ‘yon. Bukod sa kanya, yaya ko nalang ang kasama ko pagkat ang kapatid kong babae at lalaki ay may sari-sariling buhay na. 

Ako ay medyo malungkot habang ako’y lumalaki dahil wala akong mapagsabihan ng mga sikreto at problema. Palagi akong nag-iisa; nag-aaral at naglalaro at iba pa. Siguro mga ilang buwan na ang nakararaan, sinabi ng ina ko na parang kahapon lang, tinuturuan niya ako kung paano magbasa ng alpabetong Pilipino, pero ngayon, iba na at hindi na tulad ng dati. Nakakaproud daw kapag naririnig niya akong magbasa dahil lahat ng paghihirap niya ay nagkaroon ng magandang bunga.

Naniniwala ako na habang ako ay lumalaki at ang mundo ay patuloy na umiikot, pagbabago lang ang maaaring maging permanente. Pagbabago ang nangyari saakin. Hindi na ako katulad ng dati na palakaibigan at makwento. Simula nang mapunta kami sa Maynila, nag-iba na rin ang mga gusto ko. Kung dati ako’y simple lamang at napapasaya ng mga pangkaraniwang bagay, naging ‘materialistic’ ako. Nag-iba ang tingin ko sa mundo at naghangad na ako ng mga bagay na hindi ko pa alam dati. Tumaas ang standards ko. Alam ko yun, ngunit tila mukhang iba talaga ang epekto ng lungsod sa isang probinsyanang katulad ko. Malaki ang pinagbago ko at nalayo rin ako sa pamilya ko.

Lumipat kami dito sa Fairview pagkatapos kong gumraduate at magtapos sa elementary. Hindi ko alam kung ako ay magkakaroon pa ulit ng mga kaibigan dahil hindi ko rin alam kung ano ang mga naghihintay saakin dito. Magiging masaya ba ako? Magiging ayos lang ba ako? May tatanggap ba sa akin at sa mga pagkukulang ko dito?

Isang taon bago ako nakaadjust. At sa awa naman ng Diyos, nakahanap ako ng mga tunay na kaibigan at sila parin ang kasama ko hanggang ngayon. Sila yung mga taong nagbigay daan upang maging mabuting tao ulit ako. Sila rin yung mga taong nagdala sa akin sa bago at kakaibang mundo. Nahuhumaling sila sa isang uri/klase ng musika, ito ang Kpop. Dahil sa kanila, nakilala ko ang aking sarili. Nang dati rati ako’y walang matinong pangarap, ako ay nagkaroon. Sa isang iglap lamang, naging maliwanag para sa akin ang mga bagay na nais ko talagang gawin.

Hindi lang sa musika kundi sa kultura ng bansang Korea ay naadik rin ako: isang pagbabago. Sinubukan kong mabuhay sa paraan ng kagaya sakanila, nagpursige akong mag-aral ng kanilang lengwahe at sa aking determinasyon at pasensya, kahit papaano ay nakapagsasalita na ako kahit walang dalang kopya. Kasiyahan ko ang pagtangkilik sa mga musika at kulturang hindi atin; iyan ang pinagmumulan ng inspirasyon ko. Ngunit bakit parang ang daming tutol? Bakit lagging may nangbabatikos sa kagustuhan ko?

“Ang mga taong nahuhumaling sa Kpop ay ang mga taong itinatakwil ang sariling wika.” yan ang aking madalas na naririnig mula sa mga taong humahadlang, mula sa mga taong nangingialam sa buhay ng may buhay. Oo, aaminin ko, mas gusto kong makinig sa Korean music kaysa OPM dahil dun ako kuntento eh. Dahil dun ako humuhugot ng tapang, na sa tuwing ako ay nalulungkot o di naman kaya ay masaya, habang nagdurugo ang puso ko o di naman kaya sa sobrang swerte ko sa araw na ito, Korean music ang hinahanap ko. Korean music ang binabagsakan ko. Doon ako, sa madaling salita ay nakakarelate. Kpop ang pinatutugtog ko at gumagaan naman ang pakiramdam ko. Hindi man kapani-paniwala ngunit sa ibang mundo katulad nito, dito ko mismo nahanap ang tunay na ako at nadiskubre ang mga kakayahan ko.

Wala akong lakas ng loob noon. Hindi ako mahilig makihalubilo pero lahat ng iyon ay nag-iba. Nagbago. Gusto ko ang Kpop, nais ko ring tumira sa bansang Korea balang-araw, naiisip ko rin kung paano kaya kung ang mapapangasawa ko ay isang Koreano? Ikararangal ko ba yun o hindi? Isa ba yung bagay na dapat ipagmalaki o ikahiya? Maaring gamitin ko ang ibang wika na tinuturo ko sa sarili ko at pilit kong pinag-aaralan sa araw-araw kong buhay. Pero kung tutuusin, ibig sabihin ba nun ikinahihiya ko na ang pagiging Pilipino ko?

Kpop—Kpop Idols—Korea—Korean language—ang mga bagay na ‘yan ay ilan lamang sa mga bagay na binago ako at mga bgay na nagbibigay ng lakas ng loob at inspirasyon sa akin. Ngunit pagbali-baligtarin man ang mundo, isa lang naman ang maitatatak ko sa puso at isipan ko, isang bagay na kahit kalian, kahit anong gawin ko ay di ko na mapapalitan at hinding-hindi ko tatalikuran kailanman—ang pagiging Pilipino ko. Isa parin akong tunay na mamamayang totoo ng Pilipinas. Hindi ko ikahihiya yun. Parati kong aalalahanin, hanggang sa aking paglaki, na walang iba pa ang mas importante, at lagi kong ipagmamalaki—Pilipino ako at Pilipino lamang. Dahil sa Pilipinas ako ipinanganak at sa Pilipinas lamang ako mamamatay.

posted 11 months ago with 0 notes - reblog

Credit